this is a repost from bes goy!
Nakakatuwa ang baby ko…
Marunong na siyang tumawa at ngumiti,
Kahit anong sabihin mo, tatawa siya. As in kahit ano.Bulaga!… Tatawa siya.
Belat!… Tatawa siya.
Ang palot mo!… Tatawa siya
Panget si Mommy!… Tatawa siya.
Nasusunog bahay naten! … Tatawa siya.
Pogi si Daddy… ayun, iiyak na siya.
Hehe. Ang galing ng mga baby ano?
Parang may magic sila.
Lahat kaya nilang baguhin…Ang gabi, kaya nilang gawing umaga…
Ang mommy niya na ang interest at hobby ay sleeping—Gising sa madaling araw.Ang kuripot na daddy na ang sinusuot na sapatos sa trabaho ngayon, ay siya ring sapatos nung nagaaral pa (favorite daw niya)— Suki na ngayon ng ATM sa lahat ng sulok ng Lipa at kilala na ng mga cashier sa SM at Mercury Drugs.
Ang magkaaway, nagbabati.
Ang ulong mainit, lumalamig.
Ang nakasimangot, ngumingiti
Ang malungkot, sumasaya
Ang mataba, pumapayat
Ang pilay, nakakalakad…
Ang nakakapagtaka… Tatawa at ngingiti lang sila. Solve na.Ganito rin kaya ako noong baby ako?
Kailan kaya ako nagbago?
Kailan kaya ako bumitaw?
Nalunod na nga ba ako sa mundo ng mga “adults”?
Magaral, magtrabaho, magretiro, mamatay.
Lahat pinagduduhan ko… Galit ako sa maraming bagay…
Hindi na ako nanonood ng Cartoons, TV Patrol na ngayon… Puro nakawan, patayan, aksidente, tsismis, anomalya sa gobyerno… ang good news lang na narinig ko ay gumawa tayo pinakamalaking Espasol at Ensaymada.. Woohooo!!! I’m so proud of you!
Ang saya maging adult. Kailan kaya ako yayaman at makakabili ng bagong sapatos?Kagabi tinitigan ko ang anak ko.
Mahimbing na natutulog, nakangiti, nanaginip daw siya ng maraming gatas.
Napangiti na rin ako…Bigla kong naisip, ganito siguro ako titigan ni Lord.
Siguro hanggang ngayon, aliw na aliw pa rin siya sa akin.
Punong puno ng pagmamahal, pangarap at pagasa.
Siguro sa tingin Niya, ako pa rin ang sanggol na kaligayahan Niya.
Ang Kanyang pambato, ang kanyang Champion, ang Kanyang anak.At naisip ko na ang Magic ng mga baby…
Pinapaalala nila na minsan naging baby din tayo,
Na minsan naging kaligayahan tayo ng mga taong nakakakita sa atin.
Na minsan naging maligaya ka sa lahat ng taong nakikita mo.
Na minsan punong puno tayo ng pangarap.
Na minsan lahat ng bagay maganda, masaya, lahat parang masarap isubo.
Na minsan lahat ng bagay posible.
Na minsan mahilig kang manood ng cartoons.
Na minsan lahat ng espasol at ensaymada ay malaki.
Na minsan masarap matulog nang nakangiti.
Na walang nagbago… sanggol ka pa rin, nakalimutan mo lang.Tumawa, ngumiti, mangarap, baguhin ang mundo… BEYBEH!
Current Mood:
Bashful




December 6th, 2009 at 11:48 PM
i like this.
ako baby pa din.. haha.
di nga lang looking baby anymore..
=)
noah´s last blog ..dreaming to be with MY family