written 07.29.08 1:57am
Waaah! Eto kakatapos ko lang magsagot ng lab report at magbasa for reporting tomorrow sa biochem. Hindi ako makatulog! Oh well… kala ko hindi na ako aatakihin nito, but no! eto na naman ako, nalulungkot…
Depression attack na naman ito… tsk tsk tsk… ayan ang epekto ng very sentimental person. Want to know why? I have my past stuff (notes/exercises/etc) during my college days that I still use as a reference (very reliable naman). Yung iba naman ay yung mga notes pa ng friends ko, like yung kay Erika, thea, ters sa chemistry. Waaah! At first, okay lang kasi you reminisce. Flashback, then boom! Ayan na! Hindi lang pictures of what happened, kasama na rin kung ano ang feelings mo that time. Tipong hindi lang limited sa chem ang bumabalik na memories sa’yo. All my ELBI experiences, ay bumabalik sa akin. Grabe! Nakakatuwa at first, but you will find yourself later – crying. Hindi madali, lalo ngayon nasa bagong environment ako. After grad, walang epekto sa akin kung mamimiss ko ang elbi. Yep, hindi nagsink – in sa akin agad. Ngayon lang umeepekto. Kasi that time, humingi muna ako ng permission kina mama na hindi muna pumasok ng med. Wala lang, ‘rest’, enjoy ko lang muna gawin yung mga bagay na hindi ko magawa masyado nung school days. I tried to work, I became a preschool teacher then later a research assistant. Alam ko kasi na anytime ko gusto, pwede ako sumama kina papa para dumalaw sa elbi. So okay lang. no big deal. Then here comes graduation at papalapit na ang june (med na ito!). Medyo tinatamaan na ako, kasi halos lahat na kami sa batch ng HS ay nakagrad na (5 yrs kasi ang mga eng’g people) tapos yung mga friends ko rin nung undergrad na naiwan pa (hiwa-hiwalay na kami ng landas)… unti-unti ko na nafeel na kailangan ko na rin mag-move on, iwanan saglit ang elbi. Mahirap iwan ang isang bagay na sobrang naging kumportable ka, isang bagay na sobrang secured ang feeling pag andun ka (second home ko na ito), isang bagay na kinalakihan mo, isang bagay na napamahal ka na. oo MAHAL ko ang elbi. everything! the place, experiences, lessons learned and especially ang mga tao. Hindi man perpekto lahat, pero masaya. This is one of my comfort zones (next to our home).
Read the rest of this entry »
Current Mood:
Confused &
Confused